a trash-bag of thoughts and things that swim in the mind of a wandering fool-for-Christ, a.k.a. taong-grasa-para-kay-Kristo wannabe... "If indeed aspiring to be free and happy and deliberately poor, simple, unfit for career advancement, and just a mere human being who is fully aware of his being so is really a case for the asylum, then please count me in! This is what being a fool-for-Christ truly means! I would willingly forgo a leg and an arm to even get anywhere near being one!"
Monday, January 24, 2011
Wala Lang
Tahimik lahat ngayong maghapon.
Walang tawag sa telepono. Walang mga taong naglisaw. Walang tahol ng aso, kahit huni ng mga ibong nakakulong. Walang sintunadong alulong ng choir na nagpa-praktis, o yung dumadagundong at pagkatinis-tinis na pagpepreysing-preysing ng mga kaanib ng El Shaddai. Wala ang mga bulung-bulungan sa mga suluk-sulok ng simbahan. Himalang wala rin ngayon ang mga rumaragasa at nagaalburutong mga jeep. Wala rin akong naririnig na sigawan sa pagitan ng gwardia sa ibaba at ng tinatawag niyang tao na nakatira sa itaas ng aking kwarto. Wala akong naririnig na palahaw ng sanggol ngayon o hagikhikan ng mga batang naghahabulan palagi sa may hagdanang katabi ng aking bintana. Wala rin yung kapitbahay kong nasa katapat kong kwarto. Wala ring imik yung alaga niyang aso. Walang tunog yung TV. Wala akong kausap. Kahit sa sarili, wala ring masabi.
Wala lang...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment