Wednesday, January 26, 2011

PASA-KALYE (Quiapo Series I)



Maingay, matao, mainit, marumi.
Masaya, masigla, makulay, matindi.
Matanda, makabago, mahirap, maunlad.
Malumanay, marahas, mapusok at magalang.
Masagana, maka-masa, masaklap, matingkad.
Mailap at maamo, mapanganib, malamya.
Mapang-akit, mapang-api, mapang-away, mapag-biro.
Matampuhin, masayahin, mapang-hamon, mapag-hilom.
Matiisin, masikap, matipuno, matatag.
Mahalay, masukal, madaya, malupit.
Mahiwaga, mahinahon, mahinhin, makiri.
Makabaliktad-sikmura, maka-agaw pansin.
Malutong magmura, masarap kung umibig.
Mapagkupkop, makabayan, mapagkakatiwalaan.
Makabagbag-damdamin, makapigil-hininga.
Malawak, makipot, masalimuot, matuwid.
Malubak at mapatag, marupok ,marilag.
Maalab, malamig, masintahin, matapat.
Malihim, matanong at mapag-kunwari.
Masinop, madiwara, maligalig, mahimbing...

...pusod ng maynila,
kilikili ng lahi,
pugad ng halang at dambana ng lipi;
entablado ng laban at mga hinaing;
pandayan ng sikap at pangarap at hikbi.

No comments:

Post a Comment