Sunday, January 10, 2010

LUNES SANTO

Smartmatic nanganganib
Mag-deliver ng makina.
Baka ‘di makumpleto hanggang Mayo.
Lagot na naman, yari na
Ang resulta:
Halalang
Pang- hangal;

Lalakad kaunti…hihikab
Mag-iinat,
May kape at ‘yosing uupo
Sa bangkong malapit,
Dudungaw sa bintanang bukas
Nakatanghod mula sa 4th floor
‘dun sa trapik sa baba;

Magmula pa kanina
Nang sumabog ang sikat ng araw na mayabang
Ay paligsahan din ang hagibis at pagaspas
Sa karerahan ng oto at tao
Kumahog sa pagsunggab
Sa kararating na umaga;

...At ang pinaghalong ingay,
Ay paanyaya't pang-hele,
Sa tawag ng katre,
Ng muli kong pag-himlay.

No comments:

Post a Comment