Monday, January 4, 2010

Ani

Bukid…basa, madulas
Ang pilapil na tinahak
Bitbit ang mamong naagnas, inihasik
Pinangalat sa mga tilapiang nag-aabang,
Gutom sa limos
Ng bisitang madalang

Ganito ang tahimik
At ginhawang saglit
Na alok ng nayon sa malayong doon
Ang kaprasong pagtakas sa lagim at limahid
Inasam at sa aking
Panalangi’y inusal

Aanhin ang luho o maraming angkin
Kung sa t’wina’y yamot at inip ang hatid
Buti pang dito sa payak,
Sa liblib
Pag kasama’y kaibigan
Ang ligaya’y aanihin

No comments:

Post a Comment