a trash-bag of thoughts and things that swim in the mind of a wandering fool-for-Christ, a.k.a. taong-grasa-para-kay-Kristo wannabe... "If indeed aspiring to be free and happy and deliberately poor, simple, unfit for career advancement, and just a mere human being who is fully aware of his being so is really a case for the asylum, then please count me in! This is what being a fool-for-Christ truly means! I would willingly forgo a leg and an arm to even get anywhere near being one!"
Thursday, December 31, 2009
PASKONG QUIAPO
Linamnam ang una sa aking litanya
Ng Paskong alaala sa Quiapo kong sinta
Pabango ng Echague ay ang halimuyak
Ng sinangag na kastanyas
At hamon at mansanas
Villlalobos ikaw ay ibang kaharian
Pinggan at kaldero at Nidong sako-sako
At bunton ng Bacalao ang mga handog mo
At Pansit na guisado
'dun sa Hun Nam na yumao
Matapang na amoy ng goma at katad
Sya namang paanyaya ni Carriedong liyag
Mga sapatos at baro at kurtina't kuchilyo
Mga relo at alahas
Na peke at tanso
At marami pang sulok, at siwang at ligoy
Mas marami pang ingay,
Halakhak, panaghoy
Itong kuna ng aking pagkabata at diwa
Tila batis ng ginhawa, pwede ring kumunoy
Ang Quiapo'y dambana ng Hesus na ulikba
Nang Diyos na piniling maging aking kamukha
At ito'ng kanyang puso at kaluluwa
Marikit niyang ngalan,
Kayamana't dangal
Sa kawawa't bigo, o gutom o kapos
Sa salat at hapo pirming hain mo'y dugo
Ina ka sa ulila, kaibigan ng ligaw
Silong na malilim
Kung masungit ang araw
Pasko na naman at doon sa iyo
Ay muling dadalaw at muli ring magmamano
At sa daan pa lamang dun sa 'di kalayuan
Ang hain mong pag ibig
Langhap na ang sagana
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment