Friday, March 12, 2010

DOMINGO DE RAMOS


Kakikitil na palapang
Manilaw-nilaw, murang berde
Kasamang ibibigkis, ibi-byahe
Ng libong mga sibol
Sa tirintasan sa palengke

Katulad din lamang nung nagdaang taon
At mga daang taong una
Linggo na naman bukas
Ng maingay na palaspas
Alulunga’t palakpakan
Ng papuring agad lumilipas

Pula ang balabal ng paring matangkad
Hahawi sa kulapol ng madlang matingkad
Tungkod ang matibay na baong pag-asa
Na bukas paggising ay ‘di mag-iisang
Wawalis sa nagsabog na makintab na pabalat
Ng hungkag na dalangin
At pagsambang huwad

No comments:

Post a Comment