Friday, October 29, 2010

Pista ng Patay? Pista ng Buhay!


"...Kaya naghandog siya ng mga alay para sa mga yumao. Upang mapatawad sila sa kanilang kasalanan" (2 Mc.12:45)

Matao, maingay, matrapik, magulo ang halos lahat ng kalsada lalo na ang mga patungong sementeryo. May mga nagsabit na banderitas, nag-uusukang ihawan, naghihiyawang mga radyo, paroot-paritong libo-libong mga tao.

Ang Undas ay isang malaking pistang bayan para sa atin. Hinding-hindi palalampasin, hinding-hindi kaliligtaan. Kahit hirap sa buhay, salat sa pera, kapos sa maraming bagay, taon-taon, matiyagang nag-iipon maka-uwi lang sa sariling pamilya upang maki-pista, upang mangamusta, upang maki-saya.

Kakatwa lamang na lalong kilala ang Undas sa pangalang "Pista ng mga Patay." Bata pa ako'y ito na ang nakamulatang tawag sa taunang pagdiriwang.

Ngunit sa'n man bumaling, maliban sa mga naglipanang mga bata sa mga malls na nakasuot bampira at halimaw at demonyo at nagti-trikortrit na pausong dayuhan lamang at pilit nating ginagaya, o kaya'y sa mga palabas sa sine o TV na mga zombie at manananggal at mga beybing may pangil na lumalabas sa banga, wala naman talaga akong napupuna na mga patay na "nagpipista."

Wala pa rin akong nabalitaan na ang mga dinalhan ng spaghetti at puto at sandwhich at zesto sa kanilang mga puntod ay sila mismong dumudukwang mula sa nitso, nakiki-piraso sa mga atang at nakiki-sali sa mga kwentuhan at halakhakan.

Walang mga patay na nagpipista kung Pista ng mga Patay.

Buhay na buhay ang Pista ng mga Patay.

Ang Undas ay hindi pista ng mga patay kundi ng mga buhay. Ang Undas ay pista ng buhay. Ang Undas ay pista ng Pagkabuhay!

Sa Undas ay nagkikita-kita at nabubuong muli ang mga pamilya. Sa undas pinananariwa ang pananabik ng lahat na magtipong muli bilang magkaka-anak at magka-kaibigan. Walang patid na kainan at kasiyahan ang inihahatid ng mga buhay sa piling ng kanilang mga himbing na mahal sa buhay.

Higit sa lahat, hindi matatawaran ang ganda ng banal na pagkakataong ang pamilya, sa isang bihirang tagpo, ay sama-sama sa pananalangin, sama-sama sa pag-alala, sama-sama sa paligid ng mahal na yumao.

Hayaan na ang trapik at ingay, ang gastos at init, ang abala at pagod...sulit na sulit naman at nakapagpapasigla ng kalooban.

Pinawawalang-bisa ng Undas ang bangis ng kamatayan. Pinaaalala ng Undas na hindi tayo pananaigan ng kamatayan, na hindi tayo pinanganak ngayon para lang mamatay at mawalang parang bula bukas. Binibigyang saysay ng taunang Undas ang mga pagsusumikap nating magmahal, magmalasakit, maglingkod at magpatawaran sa isa't isa: na ang mga ito'y paghahanda lamang natin sa malaking pagtitipon natin sa langit pagdating ng araw.

Pinaiigting ng Undas ang buhay na pag-asa sa puso ng bawat isa ng ang nararanasang saya sa mga mumunting pagtitipon ngayon ng mga pamilya sa puntod ng mga yumao ay patikim lamang ng mas malaki, mas masaya, at walang-hanggang kapistahan ng buhay: isang engrandeng "family reunion" nating lahat sa bahay ng ating Ama.

Ang Undas ay hindi pista ng mga patay.

Ang Undas ay pista ng buhay.

Ang Undas ay pista ng pagkabuhay!

Thursday, October 28, 2010

ALA-ALA


Buti pa ang kandila, nauupos sa pagluha,
may silbi ang ningas ng asul na dila,
at kapag lusaw na at wala nang mitsa,
may hangganan ang dusa,
at tiyak ang tadhana.

Buti pa ang ulan gano man ang bagsik
'pag sa-id na ang ulap agad ding tumitila
ay hindi ang malalim at masukal na hukay,
ang puwang na iniwan
ng ganap mong paglisan.

Ang gusot kong damit at maong na kupas
ay sabik sa dampi ng mainit na plantsa;
ang tuyo't sinangag na mainit sa umaga,
ngayon ay malamig
sa pangungulila.

Ayaw nang pansinin langitngit ng pintuan,
ang maingay na anunsyo ng kasinungalingan,
nang hindi na masaktan ng huwad na pangakong
isang araw nariyan ka't
sa hapag ay kasalo.

Labis ba kung sakaling ako ay humiling
na saglit na takasan nitong diwang malupit?
Mamanhid man lang sana ang kirot at hapdi,
manumbalik ang gana't
ang ngiti'y maiguhit.

At kung 'di rin lang aring makalimot ang isip
ako sana'y haplusin ng pag-asang madilim
na doon sa hangganan nitong aking paglaboy
ay muli kang makita't
mahagkan ang pisngi.

Wednesday, October 27, 2010

Heaven on Earth


"You are no longer strangers" says the Apostle Paul to the church at Ephesus. "You are no longer sojourners."

We are fellow citizens with the holy ones; we are family members of the household of God!

This is the Gospel of Jesus Christ for us.

This is the Gospel Apostles, Saints and Martyrs throughout the ages heroically labored and lovingly offered their lives for: that we may realize and start living not anymore as strangers and isolated, unrelated individuals but as family, as fellows, as friends in Jesus.

We can only be Church if we begin living as a family - caring, building up, forgiving and asking forgiveness from one another.

When we live thus, then we become truly Church.

Then the Church becomes the Body of Christ,

Household of the Lord,

Heaven on Earth!

Monday, October 18, 2010

Two Servings of Merton on a Stormy Monday Night


Keep your eyes clean and your ears quiet and your mind serene. Breathe God's air.

Work, if you can, under His sky.

But if you have to live in a city and work among machines and ride in the subways and eat in a place where the radio makes you deaf with spurious news and where the food destroys your life and the sentiments of those around you poison your heart with boredom, do not be impatient, but accept it as the love of God and as a seed of solitude planted in your soul.

If you are appalled by those things, you will keep your appetite for the healing silence of recollection. But meanwhile - keep your sense of compassion for the men who have forgotten the very concept of solitude.

You, at least, know that it exists, and that it is the source of peace and joy.

You can still hope for such joy. They do not even hope for it any more.

+++

I have the immense joy of being a member of a race in which God became incarnate. As if the sorrows and stupidities of the human condition could overwhelm me, now I realize what we all are. THERE IS NO WAY OF TELLING PEOPLE THAT THEY ARE ALL WALKING AROUND SHINING LIKE THE SUN...if only we could see each other that way all the time. There would be no more war, no more hatred, no more cruelty, no more greed. I SUPPOSE THE BIG PROBLEM WOULD BE THAT WE WOULD FALL DOWN AND WORSHIP EACH OTHER. But this cannot be seen, only believed and "understood" by a peculiar gift...

Friday, October 1, 2010

Ang Ngiti Mo (tulang nasagap sa estribo ng LRT)...P.Neruda

Pagtawanan mo ang gabi,
ang araw, ang buwan,
pagtawanan mo ang mga liku-likong
landas sa isla,
pagtawanan mo ang torpeng
lalaking ito na nagmamahal sa iyo,
ngunit kapag bubuksan ko
at isasara ang aking mga mata,
kapag ako ay umalis,
kapag ako ay muling bumalik
ipagkait mo na sa akin ang tinapay
ang hangin, ang liwanag at ang tagsibol,
huwag lamang ang iyong ngiti
dahil ito ay aking ikasasawi.



Quítame el pan, si quieres,
quítame el aire, pero
no me quites tu risa.
No me quites la rosa,
la lanza que desgranas,
el agua que de pronto
estalla en tu alegría,
la repentina ola
de plata que te nace.

Mi lucha es dura y vuelvo
con los ojos cansados
a veces de haber visto
la tierra que no cambia,
pero al entrar tu risa
sube al cielo buscándome
y abre para mí todas
las puertas de la vida.

Amor mío, en la hora
más oscura desgrana
tu risa, y si de pronto
ves que mi sangre mancha
las piedras de la calle,
ríe, por que tu risa
será para mis manos
como una espada fresca.

Junto al mar en otoño,
tu risa debe alzar
su cascada de espuma,
y en primavera, amor,
quiero tu risa como
la flor que yo esperaba,
la flor azul, la rosa
de mi patria sonora.

Ríete de la noche,
del día, de la luna,
ríete de las calles
torcidas de la isla,
ríete de este torpe
muchacho que te quiere,
pero cuando yo abro
los ojos y los cierro,
cuando mis pasos van,
cuando vuelven mis pasos,
niégame el pan, el aire,
la luz, la primavera,
pero tu risa nunca
por que me moriría.