Thursday, July 15, 2010

Hoyt-Chichimanggas to Schermer On The Aftermath of Basyang

Bossing hope the storm aftermath has now cleared up. Just wanted to share with (you) a poem about the recent calamity. Hope all is well pads.


Kayod-kabayo,
Pukpok sa martilyo.
Pilit idinugtong ng mga pakong kalawangin,
Mga basang kahoy, natuyo ng hangin mahabagin

Tubig at pawis
Naghalo sa kalsadang marungis
Batang aba, lumangoy sa dapat na batis
Animo’y ilat sa alingasaw at putik

Dugo mong busilak
Sa uga’t lamang ang pagdanak
Ngayo’y itim na galos sa balat
Itim na islang nailubog ng luha

Mga alaalang itinatangi
Inilibing ng agos at sidhi
Hikbing nag-uumapaw, pilit sugpuin
Maisalba lamang, mga santo’t panalangin

Hagupit ng kalikasan
Parusang di ninais makamtan
Tila mga langgam sa munsik,
Ngunit sa diwa’t isipay’ lakas ng pananalig

No comments:

Post a Comment