Thursday, July 8, 2010

Bagong Gising


Gumising na naman ang Lupang Hinirang

Sa kapeng malabnaw at maingay na girian

Ng mga sasakyan na nag-uunahan

Takot nang mahuli dahil bawal ang wang-wang.


Malagkit mang tila ang mainit na hangin

At mala-purgatoryo ang maghapong pirmi

Kung sa pagiging maagap at tapat mamumulat

Ay muling lilipad itong bayang nahirati.

1 comment:

  1. hi, I like your image here, pwede ba naming gamitin ito sa government website ng isang munisipyo dito sa amin sa Region 8? we will of course acknowledge the source in the about page :)

    will wait for your reply here, thanks.

    ReplyDelete