a trash-bag of thoughts and things that swim in the mind of a wandering fool-for-Christ, a.k.a. taong-grasa-para-kay-Kristo wannabe... "If indeed aspiring to be free and happy and deliberately poor, simple, unfit for career advancement, and just a mere human being who is fully aware of his being so is really a case for the asylum, then please count me in! This is what being a fool-for-Christ truly means! I would willingly forgo a leg and an arm to even get anywhere near being one!"
Tuesday, June 29, 2010
TURBYULENS
Malubak na tila ang kalsada ng langit
na aking binaybay na dala ang himig
at heleng malambing ngunit 'di umubrang
magdala ng himbing sa puyat na tampipi.
Ma-ugoy ang duyang higante kong lulan
kay tayog ng lundag at kay lalim ng bagsak,
napuno ng sindak itong aking paglayag
pabalik, pauwi dun sa kuna kong dati-
Naming kalye, palaruang maluwag,
madilim, maliwanag, mapayapa't marahas;
kung minsa'y malinis, madalas ay marungis,
nguni't walang salang takbuhan parati.
Malubak din pala ang kalsada sa langit,
ako'y tila bangkang pumalaot mabuti
sa gitna ng dagat sa kasagsagan ng sigwa
at tanging sindak ang hapuna't almusal.
Ba't dati'y masarap ang nakatingala,
tulalang nakatitig sa malambot na ulap,
at malinaw na asul ang kisameng mataas
na panglinis kong lagi sa limahid ng lupa.
Ba't dati ang akala'y matuwid ang kalsada
at makinis na puti ang kanyang palitada
ay ngayon may nginig at nababahala
na baka magmistulang ligaw na saranggola.
Malubak mang tila ang kalsada ng langit
ang hanging daana'y lawit man ang sungit
ang lahat ng ito'y 'di inaalintana
sapagkat sabik na sa hapag ng pag-ibig.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment