a trash-bag of thoughts and things that swim in the mind of a wandering fool-for-Christ, a.k.a. taong-grasa-para-kay-Kristo wannabe... "If indeed aspiring to be free and happy and deliberately poor, simple, unfit for career advancement, and just a mere human being who is fully aware of his being so is really a case for the asylum, then please count me in! This is what being a fool-for-Christ truly means! I would willingly forgo a leg and an arm to even get anywhere near being one!"
Saturday, September 25, 2010
SIYA NAWA
Siyam na taon ng biyaya at awa,
Siyam na taon ng lungkot at tuwa,
Siyam na taon ng hirap at ginhawa,
Siyam na taong ang dasal “Siya nawa.”
Siyam na taong napuno ng unawa
Ng Poong minahal at hindi binitawan.
Pumalaot mang minsan sa gitna ng sigwa,
O tahimik na nagkumot sa tuktok ng kalinga.
At siyam na taon ng pakikidigma
Sa palaging pag-usli ng makitid kong diwa,
Ay siyam na taon rin ng kapatawaran,
Ng pag-ibig na sagana at bagong simula.
At Siyang mangingibig kung saan nagmula
Ang banayad na atas ng pakiki-punla
Ay ‘di natitinag sa pagsaboy ng pataba
Upang ang pananim ay saganang magbunga.
Ay hindi makakayang kagyat ma’y tumbasan
Ang marami’t maulit na pag-ahong kinamtan
Sa tuwing sasadlak sa kulapol ng sala
At malulunoy sa limahid ng dusa.
Ang siyam na taong ipinagpipista
Ay ‘di kayang maabot ng sarili kong sikap
Kundi sa Kanya lamang na pagpapatnubay
At pirming pag-haplos ng Banal Niyang Kamay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment