
Gumising na naman ang Lupang Hinirang
Sa kapeng malabnaw at maingay na girian
Ng mga sasakyan na nag-uunahan
Takot nang mahuli dahil bawal ang wang-wang.
Malagkit mang tila ang mainit na hangin
At mala-purgatoryo ang maghapong pirmi
Kung sa pagiging maagap at tapat mamumulat
Ay muling lilipad itong bayang nahirati.
hi, I like your image here, pwede ba naming gamitin ito sa government website ng isang munisipyo dito sa amin sa Region 8? we will of course acknowledge the source in the about page :)
ReplyDeletewill wait for your reply here, thanks.